Ang Alamat ng Ideal Candidate

Isang Taglish body-horror novella tungkol sa "self-improvement"... inside and out.

"We optimize what's within."

The Substance,
but Filipino.

Sabi ni Doc, 10k for new customers. At paki-surrender din yung balat mo, we'll upgrade it naman.

"Aircon. Pera. Si Sir Troy."

The Little Mermaid,
but corporate.

She gives up her tongue...
for better opportunities (and her boss’ attention).
Huy, lagot ka sa HR.

"Isang hampaslupang ipis, si Arla Flores."

The Metamorphosis, pero baliktad at metaphorical.

Ipis siya, career-wise. Pero magiging tao rin siya, pagkatapos niya mag-transform.


Preview the first chapter:

1: Si Arla Flores, Junior HR

Mas masarap talaga ’yung hangin sa office kumpara sa init ng boarding house. Lalo na dito, sa Room 216, na malamig, mabango, amoy-mayaman, at amoy-Makati. Ang ayoko lang dito ay ’yung bagong pausong “English Only” policy ni Sir Troy.Buong araw na akong nanahimik sa lamesa ko para lang ’di ako sabihan ni Tita Yellow na mag-Ingles. Marunong naman ako ng grammar—problema lang daw ’yung accent, na pangit daw ayon kay Tita Yellow. Mas madali na ’yung ganito—’yung tahimik. Kung kailanganin man, Filipino English na kung Filipino English. Pero bilang isang simpleng empleyado, ito na ako, at hanggang dito lang ako. Hindi ako tulad nilang mga ambisyosa.Sa totoo lang, maswerte nga ako eh, dito sa matino kong trabaho sa isang maliit na office sa Makati. Kumportable ang sulok ko sa Room 216. May naipadadala ako sa probinsya. Yumabang na nga si Mama, eh—sabi niya sa akin na mas okay na raw ito kaysa sa pinsan kong nagtatrabaho sa karinderya sa Batangas. Buti pa raw kami ni pinsan, hindi natulad kay Ate na wala raw patutunguhan.
Kumaluskos ang mga bagong labas na papel mula sa printer sa gitna ng Room 216. Kukunin ko na sana, pero napatigil ako sa tapat ng vent ng aircon sa kisame, sa ilalim ng malamig na hangin.
Pangarap ko talaga ma­kabili ng aircon balang araw, kapag nakapagpundar na ako ng sarili kong bahay… pero alam kong malabo pa ’yung mangyari.Tamang-tama.Exhibit A: Aircon.Tawagin ko raw ‘AC’.Aircon pa rin ’yun.Napangiti ako, pero pagdilat ko, nakatingin na naman sa akin si Tita Yellow.“Where are my printouts?” sabi niya.Oo nga pala.Umalis muna ako mula sa gitna, kinuha ang bagong print na mga resume, at pumunta sa table niya malapit sa bintana. Tirik ang araw sa labas, pero hindi ko maramdaman ang init ng tanghali sa lakas ng buga ng… AC.Mainit-init pa ang mga pina-print niya nung inabot ko sa kanya. “Ito po.”Isang buntong-hini­­nga mula kay Tita Yellow. Naka­li­mu­tan ko na na­mang mag-Ingles.Pagkuha niya, pinalitan niya naman ng mga kailangang tawagan mamaya. “Don’t forget today’s screening, Arla. Respond to them ASAP.”At katulad nga ng inaasahan, ang nipis ng inabot ni Tita Yellow.Bilang HR, ang galing niya talaga—isang ting­in lang, alam na niya kung sino sa listahan ang okay at sino ’yung sasabihan na lang ng ‘Thank you for your time’. Sabi pa nga ni Sir Troy na ‘force of nature’ daw si Tita Yellow. Hindi ko gaano na-gets, pero siguro nga: parang talo pa niya ang isang dalu­yong sa lala ng pagwasak niya ng mga pangarap ng mga aplikante ng Sierraton Inc.
Ganon naman talaga dapat, pero hindi ko mapigilang maalala ’yung pagod kong maghanap ng trabaho kung saan-saan nung nakaraang taon.
“Don’t forget the English rule, Arla,” sabi niya sa akin bago ako maglakad pabalik. “Office policy.”“Yes—” bulong ko, pero pinigilan ko ’yung ‘po’.Nakakairita na pati ’yung simpleng po at opo dapat Ingles na rin. At ito namang si Tita Yellow, napakastrikta kahit na kaming dalawa lang ang nakatoka dito sa HR. Marunong din naman siya mag-Tagalog.“Copy,” sabi ko.Pero hindi ko naman siya masisisi, dahil si Sir Troy talaga ang may pakana ng kalokohang ito. Mabuti naman at pumapayag naman si Sir Troy na mag-Tagalog ako kapag iniimbita niya ako sa kanyang condo.Hindi ko mapigilang kiligin kapag naaalala ko ’yung lalaking ’yun. Ilang buwan na kaming nagkikita nang patago, si Sir Troy at ako. Minsan date lang, palaging libre niya. Pero sa mga nakaraang linggo, hindi lang basta kain sa labas, kundi… Basta, iba na ’yung ginagawa namin.Kada Biyernes, doon ako natutulog. At minsan, kapag wala siyang meeting, pati tuwing Miyerkules ng gabi.
“Arla. What are you smiling about?” tanong ni Tita Yellow, sabay simangot. “Focus on your emails.”
“Copy,” sabi ko uli, pero hindi pa rin mawala-wala ang kilig sa katawan ko.“Is that all you know how to say?”“Hindi po,” sabi ko.Tinaasan ako ng kilay ni Tita Yellow. “Arla.”“Ano… I will proceed with calling the applicants soon.”Huminga nang malalim si Tita Yellow, at sa wakas, nag-Tagalog na rin. “Pakibilisan. At kung ’di mo kayang itigil iyang relasyon mo kay Sir Troy, ’wag mo naman idamay ’yung trabaho mo. Tama na iyang ngi­ting malandi.”“Copy.”“‘Noted’ o kaya ‘understood’, pwede rin naman,” sabi ni Tita Yellow. “Talo mo pa ’yung Xerox sa paulit-ulit mong copy.”Tumango ako, sabay tawa, pero konti lang, para ’di ako sabihang ‘unrefined’ ni Tita Yellow. Bawal humahagalpak sa Room 216.Pagbalik ko sa cubicle ko malapit sa dingding, tiningnan ko ’yung mga resume na binilug-bilugan na ni Tita Yellow. Para sa mga nakapasa sa first round, panahon na para tawagan sila isa-isa. At para naman sa mga hindi, panahon na para wasakin nang konti ang mga pangarap nilang ma-hire sa Sierraton.Saktong wasak lang. Pasensya na sa mga bagong gradweyt na bata.Hindi naman ganon kahirap ang trabaho ng isang Junior HR sa Sierraton Inc. Mail merge lang para sa kanilang lahat, para sa mga kawawang nilalang. Hindi ko naman kailangang isa-isahin ’yung mga bumagsak sa initial screening, dahil bagsak pa rin naman sila, sabihin ko man o hindi ’yung rason.Nagsimula na akong mag-type: “Thank you for your interest in the position of Junior Project Manager. After careful consideration, we have decided to move forward with other candidates…”Send.Sunod naman, sumandal ako sa upuan sabay bukas ng chichirya, sabay ipit ng company phone sa gitna ng pisngi at balikat. Lima lang ’yung napili ni Tita Yellow mula sa tambak ng resume na pina-print niya sa akin kahapon ng umaga. “Edison Yulo… John Paul Mayon… Peter Luis Reyes… Jose dela Vera…”Isa lang ’yung babae sa lima.
“Mukhang okay itong Betty Hilario ah,” bulong ko sa sarili ko. Ang tindi: internship dito, student org diyan…
Kumpara sa iba, siya ’yung may pinakamalakas na credentials. May pa-execom pa. “Ito na lang muna ’yung unahin ko.”Sinagot ni Betty ang telepono sa pangalawang ring, at sinimulan ko na ang spiel. “Hello, this is Arla Flores, Junior HR from Sierraton Inc. I am calling about the role of Junior Project Manager. If you are interested in the position, we invite you for an interview on…”***At sa huli, si Betty Hilario na nga ang nagwagi.“She’s an ideal candidate,” sabi pa nga ni Tita Yellow pagkatapos ng interview. “She looks the part, at least.”Tama nga: may itsura itong si Betty—maganda ang hubog ng kanyang katawan, matangkad siya, may poise.At interview pa lang, alam na. Perfect.In fairness, ’yung mga kalaban niyang ibang candidates, medyo… alam mo na. Si Edison Yulo, ang lala ng accent pag magsalita. Crispy. Si John Paul Mayon naman, hindi galing sa sikat na unibersidad, kaya hindi raw fit sa company culture. Sabi ni Tita Yellow, importante raw ’yun. Si Peter Luis, ang taas ng asking salary. Tapos bad vibes si Jose.Katulad ko lang din—bad vibes, pangit ang Ingles, galing sa kung saang lupalop na unibersidad, at ang demanding pa pagdating sa sweldo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ba ako na-hire dito sa Sierraton. Pero bahala na ’yun. Onboarding ni Betty ngayon, at excited na ako sa paparating kong bonus.Hinatid ko muna siya sa section niya, na malapit sa office ni Sir Troy, na tanaw ang pantry. And as per company policy, dahil dapat palaging kalahating bukas ang pintuan ng mga room, napansin ko kaagad ang pagtaas ng kilay ni Sir Troy habang naglalakad kami ni Betty sa hallway.Iniwan ko si Betty sa bago niyang table sa Research and Development team, sabay tingin kay Sir Troy bago ako bumalik. Kumaway ako.Nakangiti na naman si Sir Troy ngayon, pero ’yung professional lang na ngiti, iba sa pinapakita niyang mukha sa condo. Pero kilala ko si Sir Troy. Biyernes ngayon, at siguradong may balak na naman ang lalaking ’yun mamayang time-out.Naalala ko pa ’yung unang be­ses na sinara ni Sir Troy ang pintuan ng office niya habang nandoon ako. Matagal na siyang lumalapit-lapit sa akin sa pantry, at minsan, nag-uusap kami. Pero professional lang, palaging professional.Isang araw, may pina­da­lang papapirmahan si Tita Yellow para kay Sir Troy. Paglapag ko ng papel sa malaki niyang table, nagsalita siya na hindi man lang tumitingin sa akin: “Close the door, Arla.”Half-open policy. ’Yun ’yung sabi sa orientation, na dapat pala­ging bukas nang bahagya ’yung mga pintuan para kita pa rin ’yung mga nangyayari sa loob.Alam ko na alam niya rin ’yung policy na ’yun. Hindi na lang ako umimik.Pero inulit ni Sir Troy: “Close it.”
Labag sa company policy ’yung ganito, pero… Boss ko pa rin siya, eh. Naglakad ako papunta sa pintuan, hinawakan ang malamig na doorknob, at—
Click.“And… signed,” sabi niya.Tumayo si Sir Troy habang naglalakad ako pabalik para kunin ’yung papel. Napatigil ako bigla sa gitna ng kwarto, sa ilalim ng vent ng split-type aircon ng kwarto niya. Kinilabutan ako sa lamig ng hangin. Pa-simple akong tumalikod para silipin ang phone ko, kahit wala namang notif. Pwede ko ito isumbong kay Tita Yellow mamaya. Pero sa ngayon, ayaw ko lang munang puntahan ’yung table ni Sir Troy.Hindi ko gaano napansin ’yung paglapit niya. Paglingon ko ay nakatayo na siya sa likod ko.
“Don’t slouch,” bulong niya. Naramdaman ko ’yung dalawa niyang daliri sa may likod ko, sa bandang gitna ng mga balikat ko. Diniinan niya hanggang tumayo ako nang maayos. “There, Arla. You look better with proper posture.”
“Sir Troy,” sabi ko, pero hindi ko rin naman alam kung ano ba talaga ’yung gusto kong sabihin.
Mabango si Sir Troy. Ngayon ko lang napansin ’yon. Mayaman din siya, may itsura, malinis… at mataas ang katungkulan. Bilang HR, alam kong kailangan kong lumabas mula sa office niya, ngayon din.Pero bilang isang simpleng nilalang… Mabango si Sir Troy.
Sa sobrang lapit niya, naaamoy ko ’yung cologne na gamit niya, pati ’yung amoy ng vape na kumapit sa damit niya nung lumabas siya kaninang break.
“Tuwid, Arla,” bulong niya. “Nakayuko na naman. Chin up palagi.” Nakapatong na ’yung buong kamay niya sa balikat ko. Mainit ang hininga niya.Bilang HR, alam kong… masyado na siyang malapit. Lumunok ako, sabay lingon sa mukha ni Sir Troy. Pinagmasdan niya ako.“Okay ka sana, eh,” sabi ni Sir Troy. “If only you knew how to better present yourself.”“Po?”“When are you free, Arla?”“Biyernes.”“Friday it is, then.” Ngumiti si Sir Troy, ’yung ngiting hindi pang-opisina. “Let me… mentor you.”***Biyernes ng gabi. Nandito na naman ako sa kwarto ni Sir Troy, nakatago sa ilalim ng kumot niyang amoy fabcon. “Bagong palit ’yung bedsheet mo, ah,” bulong ko sa balikat niya.“Okay ’yung napili mong si Miss Hilario, ah,” sabi niya pabalik.
“Pati ba naman dito… Naku naman,” sagot ko, sabay tawa. “Ano uli ’yung catchphrase mo? ‘I’m just doing my job.’”
“Part of your job is keeping up appearances, though. Yellow tells me na you aren’t following my new policy.”“Sir Troy! Pati ba naman dito—?”“I’d like to hear you speaking more English,” sabi niya, sabay haplos sa likod ko. “Even here.”“Hmph. Ayaw.” Gumulong ako palayo.“Practice makes perfect.”“’Di ako sosyaling bata tulad mo. Wala nang mai-improve ’yung—”Hinila niya ako palapit sa kanya. “You’ve always had potential, Arla. You started so… simple,” bulong niya sa leeg ko. “And you’ve… been getting better recently.”“Better?” Naaamoy ko ’yung cologne na nakadikit pa rin sa balat niya, pati ’yung fabcon sa punda ng unan at kumot niya na humalo na sa amoy ng pawis namin pareho. “Better saan?”Mainit ang kamay niya nung pinatong niya sa balakang ko:
“At everything.”

Interested in more? Wanna contact me? Friendly naman ako, message ka lang!